Wala Nang Iba

Ngumingiti sa t'wing maiisip
Ang sandaling ika'y nakapiling
Ngunit hindi maaalis sa akin
Na wala ka sa aking tabi

Sana'y hindi ka na lang lumisan
Aking lungkot, hindi ko mapigilan
Naririnig mo ba itong awitin?
Aking inaasam, muling mahagkan

Wala akong mahihiling
Walang iba ang nanaisin
Kundi ikaw ay aking muling makapiling
Wala nang iba

Lagi kitang hihintayin
Walang ibang mamahalin
Hinding-hindi titigil hanggang muli kang makapiling
Wala nang iba

Bumabalik mga pinagdaanan
Nangako na wala nang hangganan
Ikaw pa rin ang aking iibigin
Hindi mawawala, sa 'yo'y magtitiwala

Sa 'yo lamang ako mangangako
Pag-ibig na hindi maglalaho
Walang ibang ititibok ang puso
Ikaw lang ang mahal, hindi mapapagal

Wala akong mahihiling
Walang ibang nanaisin
Kundi ikaw ay aking muling makapiling
Wala nang iba

Lagi kitang hihintayin
Walang ibang mamahalin
Hinding-hindi titigil hanggang muli kang makapiling
Wala nang iba

Mmm, wala nang iba
Oh, oh, wala nang iba

Wala akong mahihiling
Walang ibang nanaisin
Kundi ikaw ay aking muling makapiling
Wala nang iba

Wala akong mahihiling
Walang ibang nanaisin
Hinding-hindi titigil hanggang muli kang makapiling
Wala nang iba

Wala nang iba
Wala nang iba



Credits
Writer(s): Andrei B. Panaligan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link