Pag Puso'y Nakialam

Nang minsang ikaw ay nakita
Puso ko'y nalito at iiwas na sana
Ngunit, bakit sadyang nagpumilit ka?
At sa akin pa nga ay humabol pa
At 'di na nga naiwasan kita

Bakit kaya 'di ko maunawaan?
Ang aking gagawin ay hindi ko malaman
'Pag ikaw ay aking nakikita
Sa iyo ay parang naiinis pa
Kung wala naman ay hinahanap ka

Tunay kayang may pagtingin
Ang aking puso't damdamin?
Isip ay nalilito
Ano nga kaya ito?

Laging naiisip ka
Kapag 'di na nakikita
Tunay nga kayang ganyan
'Pag puso'y nakialam?
Aah-ah-ah

Bakit kaya 'di ko maunawaan?
Ang aking gagawin ay hindi ko malaman
'Pag ikaw ay aking nakikita
Sa iyo ay parang naiinis pa
Kung wala naman ay hinahanap ka

Tunay kayang may pagtingin
Ang aking puso't damdamin?
Isip ay nalilito
Ano nga kaya ito?

Laging naiisip ka
Kapag 'di na nakikita
Tunay nga kayang ganyan
'Pag puso'y nakialam? Ooh

Tunay ngang may pagtingin
Ang aking puso't damdamin
Isip ay nalilito
Ano nga kaya ito?

Laging naiisip ka
Kapag 'di na nakikita
Tunay nga kayang ganyan
'Pag puso'y nakialam?

S'ya na'ng nakialam, ooh-ooh-ooh
Du-du-du-pa-ra, du-du-du-pa-ra, yeah
Ooh-ooh, yeah-yeah



Credits
Writer(s): Dennis Raymund G Quila
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link