Maling Akala

May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
Noong ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
Noong ako'y naging binata sa erpat ng syota ko
Ngayon ay may asawa at meron nang pamilya
Wala na ngang multo ngunit takot sa asawa ko

Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami
Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala

Nasaan nga ba ako? Kaninong kama 'to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kuwarto?
Naglayas sa bahay akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil di nakapagtapos

Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami
Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka

May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
Sa maling akala
Oh yeah sa maling akala
(Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala
Konting gusot, dumadami
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami

Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, gumagrabe
Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka
Ng maling akala...



Credits
Writer(s): Aaron Paul Del Rosario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link