Ano Nga Ba Tayo?

Libo-libo na ang nasabi
Parang wala namang narinig
'Di ba, 'di ba usapan natin
Unti-unting susubukan natin

Kay tagal na, gan'to na lamang ba
Pa'no ba't ako'y nasasaktan na

'Di ko alam sa'n ka nanggagaling
At bakit ba tayo paulit-ulit
Sabihin mo nga, sabihin mo nga
Ano nga ba tayo, ano nga ba tayo?

'Di ko alam ba't ganyan ka sa'kin
At bakit hindi mo naman maamin
Sabihin mo nga, sabihin mo nga
Ano nga ba tayo, ano nga ba tayo?

Dagli-dagling umiiwas sa'kin
Dahil wala ka nang masabi
'Di ko naman kayang magalit
At lumayo sa'yo nang pilit

Kay tagal na, gan'to na lamang ba
Pa'no ba't ako'y nasasaktan na

'Di ko alam sa'n ka nanggagaling
At bakit ba tayo paulit-ulit
Sabihin mo nga, sabihin mo nga
Ano nga ba tayo, ano nga ba tayo?

'Di ko alam ba't ganyan ka sa'kin
At bakit hindi mo naman maamin
Sabihin mo nga, sabihin mo nga
Ano nga ba tayo, ano nga ba tayo?

Nalilito ang puso

'Di ko alam sa'n ka nanggagaling
At bakit ba tayo paulit-ulit
Sabihin mo nga, sabihin mo nga
Ano nga ba tayo, ano nga ba tayo?

'Di ko alam ba't ganyan ka sa'kin
At bakit hindi mo naman maamin
Sabihin mo nga, sabihin mo nga
Ano nga ba tayo, ano nga ba tayong dalawa?



Credits
Writer(s): Francis Louis Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link