Kung Mawala Man Ang Lahat

KUNG MAWALA MAN ANG LAHAT

Kung may mga pagpapala ako'y tuwang-tuwa
Hindi mapigilan ngiti ko'y kitang-kita
Ang magpasalamat aking nagagawang
Tuloy- tuloy
Sa bawat biyaya ako'y namamangha
Pinangakong habang buhay
Ibibigay lahat ng papuri sa'Yo

Ngunit bakit ngayon
Buhay ko ay biglang nagbabago
Unti-unting naglalaho
Ang mga pagpapala Mo

Kung mawala man ang lahat sa aking paligid
Kayamanan at pangarap pati pag-ibig
Kung mawala man ang lahat-lahat sa akin
Patuloy pa rin ba akong a-awit

Anuman ang pagsubok
Na sa akin ay dumaan
Hindi ako titigil na itaas
Ang Iyong pangalan
Hindi ko na kailangan ng kahit anu pa man
Kahit wala mang dahilan
Awit ko saYo'y ilalaan

Kung mawala man ang lahat sa aking paligid
Kayamanan at pangarap pati pag-ibig
Kung mawala man ang lahat-lahat sa akin
Patuloy pa rin akong a-awit



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link