Pangako Ng Kailanman

Labis ang ligayang naramdaman
sa iyong pagdaan, aking natagpuan
aking napagmasdan ang isang nilalang
na yumakap sa pusong muling nabuksan
akin nang nakamit ang pangako ng kailanman

Alay buhay mong nagbigay nang saysay
at ngayong ikaw na hanggang sa walang hanggan
sa isang iglap ng buhos ng tag-ulan
ay sadyang nagwakas, araw ay nahagkan
'Di mapapantayan ang pangako ng kailanman

Laging ika'y mamahalin
kahit bukas ay 'di man dumating

Ako'y di nabigo sa'king paglalakbay
'di na masasaktan, 'di na maghihintay
pagkat nar'yan ka na, ang pangako ng kailanman



Credits
Writer(s): Morallos Agatha
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link