Ang Galing Mo (Bayaning Pilipino)

(Verse 1).
Noon munting pangarap, naabot kahi't mahirap;
Sa pagsisikap ang karangala'y natanggap.
Angking katalinohan, linis ng kalooban;
Naging puhunan tungo sa kaunlaran.
Ang galing-galing, bayaning pilipino:
Handang lumaban sa hamon ng mundo.
(("refrain")
Ang galing mo, Bayaning pilipino.
Dangal sa puso at gawa kayamanan ng buong mundo.
Ang galing mo, bayaning pilipino.
Tapat at totoo, laging taas loob o pilipino.

(Verse 2).
Sa husay mo't talino, walang isasaludo;
Tapat sa tungkuling marangal ang tanyag na tao.
Panindigang dakila, sa Diyos ay may tiwala;
Likas sa puso ang pagtulong sa kapwa.
Ang galing-galing, bayaning pilipino.
Handang lumaban sa hamon ng mundo.

("refrain")
Ang galing mo, Bayaning pilipino.
Dangal sa puso at gawa kayamanan ng buong mundo.
Ang galing mo, bayaning pilipino.
Tapat at totoo, laging taas loob o pilipino.
("bridge")
Buong bansa'y nagdiriwang;
Pagka't pagasa ito'y nasa iyo, nasa iyo.

("refrain")
Ang galing mo, bayaning pilipino.
Dangal sa puso at gawa kayamanan ng buong mundo.
Ang galing mo, bayaning pilipino.
Tapat at totoo; laging taas loob o pilipino...

Dangal sa puso at gawa; kayamanan ng buong mundo.
Ang galing mo, bayaning pilipino.
Tapat at totoo; laging taas loob.
O, pilipino.



Credits
Writer(s): Erick Sta. Maria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link