Gusto Ko Sana

Iniisip kung anong paraan
Upang ika'y malapitan
Kahit saglit man
Di ko alam kung paanong
Sasabihin sa'yo
Na matagal na kitang gusto
Di ko alam kung ano
Ang gagawin ngayon
Kung minsa'y natutulalang
Kaya't sana'y dinggin mo ako
Gusto ko sanang malaman mo
Na matagal na kitang mahal
Nasa isip lang
Di ko mailabas
Ang damdamin kong ito
Sabi nila ang bagal ko
Di ko lang maisagot na
Nahihirapan na ako
Kung pwede lang na makasama ka
Wala na sana hihilingin pa
Di ko na alam ang gagawin
Lalapit pa ba o lalayo?
Kung minsa'y natutulalang
Kaya't sana'y dinggin mo ako
(Gusto ko sanang malaman mo) malaman mo
(Na matagal na kitang mahal) matagal na kitang mahal
Nasa isip lang
Di ko mailabas
Ang damdamin kong ito
Araw gabi nasa isipan
Walang iba kundi ikaw lang
Ikaw ang hinahanap hanap ng puso ko ohh
(Gusto ko sanang malaman mo) gusto ko sanang
Malaman mo
(Na matagal na kitang mahal) mahal na mahal na mahal
(Nasa isip lang)
Di ko mailabas
Ang damdamin kong ito
Gusto ko sanang malaman mo
Na matagal na kitang mahal
Nasa isip lang
Di ko mailabas
Ang damdamin kong ito
Gusto ko sanang malaman mo
Na matagal na kitang mahal
Nasa isip lang
Di ko mailabas
Ang damdamin kong ito



Credits
Writer(s): Brix Ferraris
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link