Makita Ka Muli - From "Ang Panday"

Oh, whoa, whoa, whoa
Oh, whoa, whoa, whoa

Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
Sa'n man mapadpad ng hangin
Hindi magbabago, aking pagtingin

Pangako natin sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang-buhay
Maghintay

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, ako'y darating
'Pagkat sa isang taong mahal mo nang buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli, makita kang muli

Puso'y nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka 'pag nag-iisa (nag-iisa)
Inaalala (inaalala), mga sandali (mga sandali)
Nang tayo ay magkapiling

Ikaw ang gabay (ikaw ang gabay) sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, ako'y darating
'Pagkat sa isang taong mahal mo nang buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli (makita kang muli), makita kang muli (makita kang muli)
Makita kang muli



Credits
Writer(s): Jimmy Antiporda, Jimmy Bondoc
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link