Umaapaw

Awit, masaya ang mga tenga
Sa aking alaala ito nagsimula
Ilaw, ika'y pinakilala
Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda

Antok at pagod, tila naglaho
Pagkagising, panaginip ang dumalaw
Damdamin ko'y umaapaw

Labi, halik na ninanais
Sa dulo ng aking dila, salitang matatamis
Yakap, higpit ng mga braso
Sa 'yong pagkadiin ay dumadaloy ang dugo

Halo-halo sa isipan ko
Init, tinig at tamis sa araw-araw
Damdamin ko'y umaapaw

Handang sabihin at ipakita
'Wag pigilin ang pagbugso
Pagkagising, panaginip
'Wag pigilin ang damdamin

Puso, hayaang paganahin
Sa muling pagkikita, mayro'ng dadalhin
Talumpati sa harap ng isang tao
Walang ibang kailangan, lahat kabisado
Buo ang loob ko sa iyo
Ganito ako kasigurado

Init, tinig at tamis
Awit, yakap at halik
Ikaw ang tubig na papawi sa 'king uhaw
Pag-ibig ko'y umaapaw



Credits
Writer(s): Traditional, Ang Bandang Shirley
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link