Bwelo Lang

Ang hirap nang ma-inlove, kumabog, tumalab
Ang pag-ibig parang virus, 'pag nahawa na, ayos
Ang hirap nang kumalas, pumalag, umalpas
Ang pag-ibig parang sapot, 'pag nahulog na, lagot
Aminin ko na lang ba, sapul na talaga
Hihingang malalim, easy lang, damdamin

Bumubuwelo lang ako, kabadong-kabado
Tiyumetiyempo lang sa 'yo, kamado, todo na 'to
Bumubuwelo lang ako, kabadong kabado
Tiyumetiyempo lang sa'yo, kamado, todo na 'to

Buwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat
Bwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat

Lalakad na sandali, 'di na mapakali
Ang pag-ibig parang kambiyo, sa primera muna, 'no!
Nanamnamin ang sarap, ikaw ang pangarap
Ang pag-ibig parang lugaw, mayro'ng kanin at sabaw
Aminin ko na lang ba? Sapul na talaga
Hihingang malalim, easy lang, damdamin

Bumubuwelo lang ako, kabadong-kabado
Tiyumetiyempo lang sa 'yo, kamado, todo na 'to
Bumubuwelo lang ako, kabadong-kabado
Tiyumetiyempo lang sa 'yo, kamado, todo na 'to

Buwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat
Buwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat

Paatras, paandar, padama
Ibang klase ang kantiyawan
Para bang pataas, pababa, patama
At pasimple ang galawan, 'di pabisto, whoa-oh-oh-oh

Buwelo lamang ang dapat (buwelo lamang ang dapat)
Buwelo lang katapat (buwelo lang katapat)
Buwelo lamang ang dapat (buwelo lamang ang dapat)
Buwelo lang katapat (buwelo lang katapat)

Bumubuwelo lang ako, kabadong-kabado
Tiyumetiyempo lang sa 'yo, kamado, todo na 'to
Bumubuwelo lang ako, kabadong-kabado
Tiyumetiyempo lang sa 'yo, kamado, todo na 'to

Buwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat
Buwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat

Buwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat
Buwelo lamang ang dapat
Buwelo lang katapat



Credits
Writer(s): Proceso Gideon H. Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link