Lutang

Nakatulala, nawawala
'Di makausap
Parang namalikmata
Bakit ba?
Ano ba ang lunas
Lunas

Ikaw ang nag-iisang laman ng isip ko
Mula nang makita ka ako'y litong-lito
'Pag 'di na muling masilayan
Ang mundo'y wala nang hila
At ako'y mananatiling lutang

Nakabalandra
Nasusuya na lang ako
'Di maniwala
Na ako'y nilimot mo
Sana ay maligaya kang tunay
Tunay

Ikaw ang nag-iisang laman ng isip ko
Mula nang iniwan mo ako'y litong-lito
'Pag 'di na muling masilayan
Ang mundo'y wala nang hila
At ako'y mananatiling
Ako'y mananatiling lutang

'Pag tumatalo'y hindi bumababa
Lumulutang ang aking mga paa
Umiikot at walang mapuntahan
Naghahanap ng kakapitan

'Pag 'di na muling masilayan
Ang mundo'y wala nang hila
At ako'y mananatiling

Ikaw ang nag-iisang laman ng isip ko
Mula nang iniwan mo ako'y litong-lito
'Pag di na muling masilayan
Ang mundo'y wala nang hila
At ako'y mananatiling lutang
At ako'y mananatiling lutang

At ako'y mananatiling
Lutang



Credits
Writer(s): Ely Buendia, Jazz Nicolas, Jugs Jugueta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link