Ngayong Nauna na Ako N.N.N. (feat. Yumi) - Acoustic

Ngayong nauna na ako
Nauna na mag-aalaga sayo
Ay 'wag mo nang hayaaang tumabang pa
Ang tamis ng ating nasimulan
Kapwa tayo masaya walang anumang alangan
'Wag ka ng magpapasingit sa loob ng damdamin at puso mo
Kung 'di lang din naman magiging tunay sayo
Ang akin lamang naman, ang akin lamang naman
Ay 'wag ka ng masaktan syempre pati ako

Alam mo bang? (Para kang ano eh, parang ano parang ahh)
Teka lang nakalimutan ko na 'di ko matandaan
Ano ba naman 'to basta yun na yun
Ang laging nais ay makita ka ng mga mata ko na
Para bang mababaliw ako pag hindi ka nakasama kahit 'sang araw
Kaya panay-panay ang dalaw nagbabakasakaling
Mapagtampisaw kita sa aking kaligayahan na mababaw

Halos sagot mo na nga lang ang kulang tapos
Simula na nga dun ang agos papunta sa hantungang
Ayos na sana pero yun lang nga
Merong sumabay, sinasabi nya na din ang sinasabi ko sayo
'Di madaling subukin ng tadhana pero
Bakit pa ngayon kung kelan ako natututo

Sa simple at natural lang na pagkaespesyal
Na siyang sumatutal ng aking pag-mamahal

Ngayong nauna na ako
Nauna na magaalaga sayo
Ay 'wag mo nang hayaaang tumabang pa
Ang tamis ng ating nasimulan
Kapwa tayo masaya walang anumang alangan
'Wag ka ng magpapasingit sa loob ng damdamin at puso mo
Kung 'di lang din naman magiging tunay sayo

Ang akin lamang naman, ang akin lamang naman
Ay 'wag ka ng masaktan

Sadya naman na-ka-ka-ka-lito
A-a-ano nga ba to, a-a-asa pa ba ako
Sa pag-ibig kong pinakahihintay
Kung kanino mo ba ibibigay
Sa akin sa kanya sa kanya sa akin
Sabihin mo sakin hindi ko matancha
Hindi ko din naman alam na

Matapos sa'king mga panaginip ay
Naliligaw ka din pala sa mga panaginip niya
Pero mas prinsesa kita
'Di na ko papahuli sa pagkakataon na 'to
Lalo na ngayon alam ko't alam mo na ako
Ang nauna
Na-na-na-natiling nakakapit sa pag-asang ikaw ay akin

Magbago man ang panahon ay
Sa simple at natural lang na pagkaespesyal
Ang siyang sumatutal ng aking pag-mamahal

Ngayong nauna na ako
Nauna na magaalaga sayo
Ay 'wag mo nang hayaaang tumabang pa
Ang tamis ng ating nasimulan
Kapwa tayo masaya walang anumang alangan

Wag ka ng magpapasingit sa loob ng damdamin at puso mo
Kung 'di lang din naman magiging tunay sayo
Ang akin lamang naman, ang akin lamang naman
Ay 'wag ka ng masaktan

May isa akong pangarap na hinanap
Sa pag gising na pag gising
Ay mahanap ang nag-iisang pangarap
Na babago't na babalot sa kakaibang
Hiwagang tumangay ng dahan-dahan

Sakin palapit sayo at da-dahil dun
Ako ay labis sayo na na-na-nahuhulug ng husto at walang, at walang makapagpapabago
Ng aking nararamdaman
Ewan ko basta pag sayo katiting
Mang bagay sa akin ay humahalaga

Ngayong nauna na ako
Nauna na magaalaga sayo
Ay 'wag mo nang hayaaang tumabang pa
Ang tamis ng ating nasimulan
Kapwa tayo masaya walang anumang alangan
'Wag ka ng magpapasingit sa loob ng damdamin at puso mo
Kung 'di lang din naman magiging tunay sayo

Ang akin lamang naman, ang akin lamang naman
Ay 'wag ka ng masaktan
Ngayong nauna na, ngayong nauna na (ooh-wooh-woah)
Ngayong nauna na-na-na-na-na
Ngayong nauna na, ngayong nauna na (ooh-wooh- woah)
Ngayong nauna na-na-na-na-na
Ngayong nauna na, ngayong nauna na (ooh-wooh- woah)
Ngayong nauna na-na-na-na-na

Ang akin lamang naman, ang akin lamang naman (ooh-woah-woah)
Ay 'wag ka ng masaktan, syempre pati ako



Credits
Writer(s): Bryan Lao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link