Ikaw Nga (Mulawin vs. Ravena Theme Song)

Heto na naman, nag-iisip minsa'y nagtataka
Nasa 'kin na'ng lahat bakit nangungulila, oh
At nang makita ka, ibang sigla aking nadarama
Pag-ibig nga ba ito, ako'y nangangamba, oh

Nais kong ipagtapat sa 'yo
Sana'y dinggin mo ang lihim na pusong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap
Kay tagal na ako'y nangarap
Lumuluhod, nakikiusap

Ako ay mahalin, mo sinta
Ikaw nga ang siyang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
Upang makapiling ka, sinta, oh

Nang makilala ka
Ibang saya aking nadarama
Alam kong pag-ibig ito
Anong ligaya, oh

Nais kong ipagtapat sa 'yo
Sana'y pagbigyan, dinggin ang puso kong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap
Kaytagal na ako'y nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin, mo sinta

Ikaw nga ang siyang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
Para lang sa'yo, sinta
Upang makapiling ka, sinta



Credits
Writer(s): Jay Oliver Durias, Sharon S Inductivo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link