Umaasa Pa

Kung akala mo ay nalimutan na kita
Sana'y malaman mo
Hanggang ngayon naaalala ka
Napapaluha puso'y nagdurusa
Laging hinahanap
Na minsan pa ay makapiling ka

Bakit ba nagkalayo
Laging tanong ng puso ko
Hanggang ngayon ako'y

Umaasa pa
Na maibabalik pa ang nakaraan
Ang dati nating pagmamahalan
Kahit nasa'n ka
Wag mong kalilimutan na mahal kita
Hanggang ngayon... umaasa pa

Mayro'n bang ibang
Mahal ka na ngayon
Sana'y sabihin mong
Ako pa rin ang iniibig mo
Kung alam mo lang ako'y nagbago na
Pinagsisihan na
Ang lahat ng aking nagawa

Dinggin mo't sumasamo
Puso'y nagmamahal sayo
Hanggang ngayon ako'y

Umaasa pa
Na maibabalik pa ang nakaraan
Ang dati nating pagmamahalan
Kahit nasa'n ka
Wag mong kalilimutan na mahal kita
Hanggang ngayon
Hanggang ngayon

Umaasa pa
Na maibabalik pa ang nakaraan
Ang dati nating pagmamahalan
Kahit nasa'n ka
Wag mong kalilimutan na mahal kita
Hanggang ngayon... umaasa pa

Umaasa pa



Credits
Writer(s): Vincent T Delos Reyes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link