Kung Ako Na Lang Sana

Heto ka na naman kumakatok sa 'king pintuan
Muling naghahanap ng makaka-usap
At heto naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Ewan ko, bakit ba hindi ka pa nadadala?
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan n'ya
At ewan ko nga sa 'yo parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya na sa akin ay 'di mo makita?

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa 'yo

Heto pa rin ako umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito'y magbago
Narito lang ako, kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko, naghihintay lamang sa 'yo
Kung ako na lang sana, oh

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko, naghihintay lamang sa 'yo
Kung ako na lang sana



Credits
Writer(s): Socrates Villanueva
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link