Maria Clara

Na-na-na-na-na, nananabik sa yakap mo
Pa-pa-pa-pa-pa, pag-ibig na kaya ito?

Isang binibini na walang kasing ganda
Ang nahuli ng aking mga mata
Nabighani mo ako, oh, kay bilis
Ang iyong dating, oh, kay bangis

Nagsimula ang lahat sa mga nakaw-tingin
Na gamit ang mga mata nating matatalim
Na para bang nangungusap, sinasabi pakiusap
Na sige na tayo at

Sabihin mo sa akin ang tipo mo rin
Agad akong lalapit, magpapansin
Ipapadama sa iyo, ikaw ang gusto ko
Marinig ko lang ang matamis mong oo

Na-na-na-na-na, nananabik sa yakap mo
Pa-pa-pa-pa-pa, pag-ibig na kaya ito?
Ikaw na nga, walang iba
Ang hinahanap ng aking puso
Sa piling mo, anong saya
Wala nang tatalo pa sa Maria Clara ko

Ngayon, ikaw ay nasa aking tabi
At bago pa tayo abutin ng hatinggabi
Simulan na natin ang kabanata
Sigurado nga ito ay isang tadhana

Kung panaginip man ito, ayokong magising
Kung palabas man ito, 'wag na nating tapusin
Sa mga oras na ito, ikaw lang at ako
Pangako sa 'yo na nandito lang ako

Magdamag tayong maglalakbay
Lilibutin ang mundong magkasabay
Magsayawan, magkantahan nang walang humpay
Limutin natin ang problema sa mundong malumbay

Na-na-na-na-na, nananabik sa yakap mo
Pa-pa-pa-pa-pa, pag-ibig na kaya ito?
Ikaw na nga, walang iba
Ang hinahanap ng aking puso
Sa piling mo, anong saya
Wala nang tatalo pa sa Maria Clara ko

Yakapin mo ako at hawakan aking kamay
Pangako sa 'yo, hindi ka malulumbay
Yakapin mo ako at hawakan aking kamay
Pangako sa 'yo, hindi ka malulumbay (oh, Maria Clara ko)

Ikaw na nga, walang iba
Ang hinahanap ng aking puso
Sa piling mo, anong saya
Wala nang tatalo pa sa Maria Clara ko

Na-na-na-na-na, nabihag mo damdamin ko
Pa-pa-pa-pa-pa, pangako, 'di nagbibiro
Ikaw na nga, walang iba
Ang hinahanap ng aking puso
Sa piling mo, anong saya
Wala nang tatalo pa sa Maria Clara ko

Na-na-na-na-na (oh, Maria Clara ko)
Na-na-na-na-na (oh, Maria Clara ko)
Na-na-na-na-na (oh, Maria Clara ko)
Na-na-na-na (oh, Maria Clara ko)



Credits
Writer(s): Bryan Leonardo Valero, Jonathan Ong
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link