Walang Tayo

Ikaw at ako
'Yan ang istorya ng buhay ko
Sa 'yo, oh, sa 'yo
Umiikot-ikot ang mundo ko

'Di, oh, 'di maintindihan
Sadya bang walang pakialam?
Sa puso ko, ikaw lang ang laman, ooh-ooh

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Oo nga pala, sadyang kumplikado
Oh, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman ang iyong damdamin

Ikaw at ako
'Yan ang tanging hinihiling ko
Ako, oh, ako
Ang tunay na nagmamahal sa 'yo

'Di, oh, 'di maintindihan
Ang buong tingin mo ba sa 'ki'y
Hanggang kaibigan lang pala?

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Oo nga pala, sadyang kumplikado
Oh, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman ang iyong damdamin

Bakit ganito ang pagtingin mo?
'Di mapantayan ng pag-ibig ko
Ako'y litong-lito sa pinapakita mo
Tanong ko lang sa 'yo, mahal mo ba ako?

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Oo nga pala, sadyang kumplikado
Oh, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman ang iyong damdamin

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Oo nga pala, sadyang kumplikado
Oh, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman ang iyong damdamin

Oo nga pala
Oo nga pala
Oo nga pala

Oh, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman ang iyong damdamin
Walang magagawa, wala namang tayo



Credits
Writer(s): Ana Ramsey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link