Hiling

Kay layo mo sa 'kin, tila isang bituin
Kay layo mo sa 'kin, kay hirap mong ibigin
Lagi na lang ako nangangarap ng gising
Nakatulala't malayo ang tingin, kinakausap ang mga bituin

Aking hiling sa mga bituin, sana ika'y makapiling
Sa paghimbing (sa paghimbing) at sa paggising (sa paggising), sana ako'y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin, pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin (at tanggapin) ng puso mong kay hirap abutin

Hindi man ako ang laman ng pangarap mo
Imposibleng ibigin mo, 'pagkat 'di ako ang gusto
Sadyang napakasakit malaman ang totoo
Ibubulong ko na lang sa hangin ang laman ng aking puso

Aking hiling sa mga bituin, sana ika'y makapiling
Sa paghimbing (sa paghimbing) at sa paggising (sa paggising), sana ako'y mahal na rin
Ang aking hiling sa mga bituin, pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin (at tanggapin) ng puso mong kay hirap abutin

Lagi na lang ako nangangarap ng gising
Nakatulala't malayo ang tingin, kinakausap ang mga bituin

Aking hiling sa mga bituin, sana ika'y makapiling
Sa paghimbing (sa paghimbing) at sa paggising (sa paggising), sana ako'y mahal na rin
Aking hiling sa mga bituin, pakiusap ko ay dinggin
Sana'y haplusin at tanggapin (at tanggapin) ng puso mong kay hirap abutin



Credits
Writer(s): Myrhus C. Apacible
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link