Sukli

Pagtapos ng mahabang panahon na pag aaral,
napagtyatyagaang iwasan ang lahat ng mga bawal.
Natupad ko na ang pangarap sakin ni Ama't
Ina, hawak ko na ang diplomang tanging mapapamana.
Nila saken ilang taong ginapang para lang
matustusan, sa kabila ng kahirapan gumawa ng paraan.
Para sa kinabukasang masagana,
ang buhay na maayos kapag sila'y wala na.
Ngayon makikipag sapalaran sa ibang bayan,
dala ang lahat ng tinuturing kong katibayan.
Mawalay man sa magulang ay kaya kong paglabanan,
Ako ay magsisikap mga payo niyo'y panghahawakan.
Di ko man makita ang mga saya nyo at tawanan,
basta pagsibol ng umaga ay meron kayong agahan.
At kapag hapunan at pagsapit ng gabi,
mahimbing ang inyong pagtulog kahit wala ko sa inyong tabi.

Dugo at pawis kanilang binigay handog nila'y magandang buhay nung
ika'y nagsisimula palang na magbuo ng mga mumunting pangarap lagi
silang na andyan sa tabi mo.
Ngayong pasan pasan mo na ang tagumpay panahon na
sigurong ibigay o gumanti pagsilbihan sila naman ang yong suklian.

May pag asa kapa ba?
yan ang tumatak saking isipan,
madalas na sambitin pag ako'y pinapagalitan.
Palagian ang pagdalaw sasagi sa alaala,
sapagkat yan ang rason bakit ko pinagsumikapang mabuhay ng masagana.
Hanggang sa matamasa lahat ng pinapangarap ko nung
ako ay bata, ano man aking naisin dudukot lang sa bulsa.
Nagagananap na yung dati rati laro namin ni kuya mag
isa, kahit na malayo sa kanila tumutulo man ang luha.
Ko'y dahil natutuwa ako sa kinahantungan ng kapalaran,
at nakuha ang pinaghirapang itaguyod sakin ni ama't ina.
Mulat ako sa hirap kaya't nangarap,
baguhin ang ikot ng mundo para matamasa.
Ang buhay na sa Pelikula ko lang mapagmasadan,
pinatunayan kong dahil sa paghihirap niyo'y makakamtan.

Dugo at pawis kanilang binigay handog nila'y magandang buhay nung
ika'y nagsisimula palang na magbuo ng mga mumunting pangarap lagi
silang na andyan sa tabi mo.
Ngayong pasan pasan mo na ang tagumpay panahon na
sigurong ibigay o gumanti pagsilbihan sila naman ang yong suklian.

Tanging inspirasyon ang mga larawang sa dingding
nakalapat, at pag labis ang pagod ay madalas kong hawak hawak.
Mga boses niyong paminsan minsan lamang marinig,
lubos ang kagalakan kahit ang luha'y nangingilid.
Tapos na ang laro't panahon ng kakulitan,
heto ako nagsisikap para kayo'y masuklian.
Salamat sa lahat ng hirap na inyong
napagtiisan, kaya ngayon kayo naman ang aking pagsisilbihan.
Balang araw ay magsasama balang araw ay
makikita, ko narin na masaya"t maririnig ang mga tawa.
Balang araw ay mararamdaman ang higpit ng yakap,
maglalapat ang palad ko sa kamay nyo't magkahawak.
Nating haharapin ng nakangiti,
samasama nating dadamhin ang ginhawa at sukli.
kalimutan ang lungkot at hirap ng nakaraan,
ang sakripisyong ibinigay natin itong kabayaran.

Dugo at pawis kanilang binigay handog nila'y magandang buhay nung
ika'y nagsisimula palang na magbuo ng mga mumunting pangarap lagi
silang na andyan sa tabi mo.
Ngayong pasan pasan mo na ang tagumpay panahon na
sigurong ibigay o gumanti pagsilbihan sila naman ang yong suklian.



Credits
Writer(s): Venzon Malubay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link