Tungkol Sa'yo

Sa dinami dami ng kinahinatnan
Para lang patunayan ang nararamdaman
'Di ka pa makuha ako'y nahihirapan na
Tigilan ang pag alinlangan
Eto na't patutunayan

Kalagitnaan ng sinimulan
Ating pagibig sana'y walang hanggan
Sana'y eksakto ang napili mo
'Pagkat ikaw na rin naman ang napili ko
Ikaw na ang may-ari ng aking damdamin
Puso at isipan ikaw lang ang nilalaman
Walang ibang hahanapin pa
Habang buhay kitang mapapasaya

Kung ika'y nag-ingat lamang
Sana'y 'di ka nasugatan
Iwanan ang napagdaanan
Ba't 'di mo malimutan ang nakaraan

Mabuti pa kaya 'wag ka nang mag-alala
'Pagkat ika'y may pag-asa lutasin ang mga problema
Kung tayo magkasama ika'y aking tutulungan
'Wag nang mag-alinlangan at ika'y naiintindihan
Tumahan, lumaban, limutin ang nakaraan
At tanggalin (at tanggalin) ang iyong kalungkutan
Palitan ng kasiyahan
Gagawin lahat ng paraan
Aawitan pa kita ng paborito mong mga kanta

Kung ika'y nag-ingat lamang
Sana'y 'di ka nasugatan
Iwanan ang napagdaanan
Ba't 'di mo malimutan ang nakaraan

Ikaw lang ang aking tanging minamahal
Tuwina ikaw ang aking dasal
Pag-ibig ko sa iyo'y walang hanggan
Hinding hindi kita masasaktan

Sa dinami dami ng kinahinatnan
Para lang patunayan ang nararamdaman
'Di ka pa makuha ako'y nahihirapan na
Tigilan ang pag alinlangan
Eto na't patutunayan

'Di ba't sinabi ko sa 'yo
Sa 'yo lamang ang puso ko
Hanggang magunaw ang mundo
Maaasahan mo ako

Ikaw na ang may-ari ng aking damdamin
Puso at isipan ikaw lang ang nilalaman
Walang ibang hahanapin pa
Habang buhay kitang mapapasaya

Kung ika'y nag-ingat lamang
Sana'y 'di ka nasugatan
Iwanan ang napagdaanan
Ba't 'di mo malimutan ang nakaraan

Ikaw lang ang aking tanging minamahal
Tuwina ikaw ang aking dasal
Pag-ibig ko sa iyo'y walang hanggan
Hinding hindi kita masasaktan

Ikaw lang ang aking tanging minamahal
Tuwina ikaw ang aking dasal
Pag-ibig ko sa iyo'y walang hanggan
Hinding hindi kita masasaktan



Credits
Writer(s): Parokya Ni Edgar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link