Wag Kang Mag-Alala

Huwag kang mag-alala, hindi ako mawawala
Huwag kang mag-alala, palagi mo akong kasama

Sa paglipas ng panahon, huwag nating iwan ang kahapon
Kay sarap balik-balikan ang ating mga napagdaanan
Hindi mawawala ang ating mga alaala
Palagi kong dala hanggang sa aking pagtanda

Huwag kang mag-alala, hindi ako mawawala
Huwag kang mag-alala, palagi mo akong kasama

Natatandaan mo pa ba no'ng una tayong nagkakilala?
Medyo bata pa tayo noon, pero kung iisipin, gano'n pa rin ngayon
Nasa puso pa rin kita, hindi ka na mabubura
Pangako sa iyo, sasama ako saan man patungo

Huwag kang mag-alala, hindi ako mawawala
Huwag kang mag-alala, palagi mo akong kasama

Kahit parang wala na tayong dadaanan pa
At kahit na parang hindi na tayo magsasama
Hindi mo lang alam, hindi kita pababayaan
Asahan mong hindi kita iiwan kailanman

Huwag kang mag-alala, hindi ako mawawala
Huwag kang mag-alala, palagi mo akong kasama
Palagi mo akong kasama

Hindi ako mawawala
Hindi ako mawawala



Credits
Writer(s): Parokya Ni Edgar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link