Bibingka

Simbang Gabi na naman
Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan
Ang simoy ng hangin, dahan-dahan na humahaplos
Sa mukha ng bawat tao
Bumabagsak-bagsak pa ang mata

Dahan-dahang kumislap
Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
Kung sa'n magkasama tayong nagdasal
At nakinig sa Misa de Gallo
Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto

Nang magkahawak ang ating mga kamay
Humawi'ng mga ulap at sabay

Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila

At pagkatapos magsimba
Habang hinahatid kita sa 'yong tahanan
Parang walang katapusan ang ating kuwentuhan
Tungkol sa mga buhay ng isa't isa
Ako'y nahalina

Nang mapadaan tayo do'n sa may tindahan
Humawi'ng mga ulap at sabay

Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila

Natapos din ang siyam na araw ng Simbang Gabi
Ang sabi ko sa sarili, baka ito na'ng huli
Pero mula no'ng unang Ama Namin
Na ang 'yong kamay ay hinawakan
'Di mo na binitawan

Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Oh, ang sabi nila

Ang sabi nila, bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Bilhan mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana



Credits
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link