Tumahan Ka Na

Umiiyak ka na naman
Bakit palagi kang gan'yan?
Sa sarili'y 'di naaawa at laging luhaan
Hanggang kailan magmumukmok
Doon sa isang sulok?
Hindi na ba magagawang kalimutan ang 'yong pagsubok?

Bakit 'di turuan ang puso'y magmahal muli?
Nang maampat ang luha ng isang sawi
Narito ako para sa 'yo upang ika'y ibigin ko
Sumandal ka sa 'kin nang madama pag-ibig ko sa 'yo

At ang iyong pagdaramdam sa puso ko'y tumatagos
Ang 'yong pagdadalamhati ay 'di ko kayang matarok
Maaari bang gumising na sa kay tagal na bangungot?
Halika na at lulunasan ko, luhang umaagos

Bakit 'di turuan ang puso'y magmahal muli?
Nang maampat ang luha ng isang sawi
Narito ako para sa 'yo upang ika'y ibigin ko
Sumandal ka sa 'kin nang madama pag-ibig ko sa 'yo

Tumahan ka na
Pakiusap ko, siya ay kalimutan na
Tayo'y mag-umpisa
Tayo lamang dal'wa
Sa aki'y 'di ka na luluha pa

Bakit 'di turuan ang puso'y magmahal muli?
Nang maampat ang luha ng isang sawi
Narito ako para sa 'yo upang ika'y ibigin ko
Sumandal ka sa 'kin nang madama pag-ibig ko sa 'yo



Credits
Writer(s): Saturno Venancio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link