TRPKNNMN

Pagod sa trabaho, makulit na amo
Wala pang suweldo, baon ko 'di aabot
Paano ko pagkakasiyahin? Pahinging malupit na plano
Sahod na parang nakahingi ka ng balato

Disgrasya, demo-demokrasya
Dito sa bayan na karangyaa'y madalas na pinapantasya
Lumang sapatos na pilit mong pinapagkasiya
Pangarap na 'di mo mapaliit ang distansiya

Na maabot, oy, alas-singko na pala
Makabiyahe na para 'di makasabay ang iba
Sa kalsada na palagi na lamang hala-bira
Mga maling sulat ng lapis pero 'di mo mabura

Ga'no na ba kahaba ang pila sa LRT?
Sana nama'y hindi na tumirik ang MRT
Ingat, baka madukutan ka pa ng iPhone 3
Ito ang s'yang dinadaing, araw man o gabi

Gusto ko nang umuwi
Gusto ko nang umuwi

Araw-araw na lang ganito, mula sa Monumento
Lagro, hanggang sa Quiapo
Crossing ilalim, ibabaw, nasa'n ka na raw?
Nasa Cubao, nilalangaw

Gusto ko nang umuwi
Gusto ko nang umuwi
Kaso trapik na naman

Paulit-ulit, ulit-ulit, ulit-ulit, ulit
Na inuukit-ukit, ukit-ukit, ukit-ukit
Sa kukote na patuloy yata na kumikitid
Tila mas may silbi pa ang sinulid kaysa sa lubid

Mga bibig na burara, mga kamay na bastos
Sa sasakyang may kamao at may pangalan ng Diyos
Ayaw ayusin ang sira, sisirain ang ayos
Sila na nakaparada sa mga daan na kapos

Tapos bawal magsakay, bawal magbaba
Lahat na bawal ginawa, ang kapal ng mukha
Dito po tayo tumawid pero nasa kabila
Ako'y nagtataka bakit 'di umuunlad ang bansa

Hanggang baba na'ng pila ng tao sa LRT
Lahat kasi tumirik na naman ang MRT
May napatay na holdaper dahil sa iPhone 3
Ano ang lagi mong daing, araw man o gabi?

Gusto ko nang umuwi
Gusto ko nang umuwi

Araw-araw na lang ganito, mula sa Monumento
Lagro, hanggang sa Quiapo
Crossing ilalim, ibabaw, nasa'n ka na raw?
Nasa Cubao, nilalangaw

Gusto ko nang umuwi
Gusto ko nang umuwi
Kaso trapik na naman



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link