Ang Panday - From "Ang Panday"

Ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon
Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon
At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim
'Pag natutunan mong hawakan ang talim

Huwag talikuran kung ano'ng nakatakda sa 'yo
Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo
At mahawakan 'pag ika'y pinili ng espadang may taglay
Ano man ang humadlang, laban lang
Narito na ang panday

Dito sa Tondo, palaging mayro'ng gulo
Bawal ang mga lampa, dapat matibay ang buto
Dahil kinakaya-kaya lamang ang mga mahihina
Kapit sa patalim, bahala na kahit mahiwa
Agawan nang agawan, unahan nang unahan
Naliligaw, bakit wala kang mapagtanungan
Sa daan na ilan lamang ang nakakaalam
At ang malalakas lamang ang nakakalamang?

Kaya si Flavio ay napilitan na maging matigas
'Pag dumiskarte, mahirap mahuli, napakadulas
Kasama ng mga tropa, lahat ay palaban
Mayro'ng kanya-kanyang toka, giba kahit ilan ang bumangga
Ito ba ang buhay na tatahakin
Ng isang batang kalye, hindi mo sukat akalain?
Pagkatapos ng lahat na susunod na ikaw
Ang siyang napili ng tagapagmana ng balaraw

Huwag talikuran kung ano'ng nakatakda sa 'yo
Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo
At mahawakan 'pag ika'y pinili ng espadang may taglay
Ano man ang humadlang, laban lang
Narito na ang panday

Dumating na ang kinatatakutan ng marami
Pangalan na kahit pabulong ay hindi mo masabi
Lagim na kanyang hatid at kampon na napakarami
Mundo na binalot ng dilim ay kailangang mabawi na nag-iisa
Siyang nagtataglay ng dugo
Wala nang iba, kailangan hawakan nang buo
Ang lakas ng loob at tapang ng panday
Ipinagkaloob sa kanyang mga kamay

Na hinubog sa apoy ng buhay, tumibay sa sugat
Walang uurungang laban, kapag kanyang binuhat
Ang espada na tanging makakatalo kay Lizardo
At sa dulo ng laban, kabutihan ang mananalo
Dahil ito ang piniling buhay na tatahakin
Ng isang batang kalye, hindi mo sukat akalain
Pagkatapos ng lahat na susunod na ikaw
Ang siyang napili ng tagapagmana ng balaraw

Huwag talikuran kung ano'ng nakatakda sa 'yo
Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo
At mahawakan 'pag ika'y pinili ng espadang may taglay
Ano man ang humadlang, laban lang

Narito na ang panday
Ating tagapagligtas ang panday
'Di padadaig ang panday
Ang pagbabalik ng panday, ng panday
Ng panday, ng panday, ng panday

Ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon
Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon
At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim
'Pag natutunan mong hawakan ang talim
Dahil ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon
Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon
At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim
'Pag natutunan mong hawakan ang talim

Narito na ang panday
Ating tagapagligtas ang panday
'Di padadaig ang panday
Ang pagbabalik ng panday, ng panday
Ng panday, ng panday, ng panday

Ang pagbabalik ng panday, ng panday
Ng panday, ng panday, ng panday
'Di padadaig ang panday, ang panday
Ang panday, ang panday, ang panday
Narito na ang panday



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link