Kwentuhang Buwan

Heto na naman
Kinakausap ang buwan at ang mga bituin
Na tila na pilitan sa pag iyak dahil
Sa dinadama ng puso

Mga alaala no'ng nakalipas
Bawat sandali, mga oras na tayo'y magkasama
Ang iyong mga mata
Ay kasing liwanag ng mga tala

At ang iyong mga labi
Kung hagkan ay parang nasa langit na ako
Sumama ka ba?
Wag mo sanang hahayaan na ako'y nag iisa

Ngunit parang hangin na humaplos ng sandali-an, naglaho at nawala

Anong nangyari ba't ako'y iniwan?
Mga pangako sa isa't isa'y kinalimutan
Mga tawana'y naging iyakan
Mga kulita'y naging awayan

Pag-ibig na iningatan
Pinakawalan

Kusang lubos kong pinagdadasal
Saan ka man, sana'y mabuti ang dinatnan sa'ming kwentuhan ng buwan
Kahit saglit kung iyong matanaw ay mabatid ang dating pag-ibig
Sa panaginip nalang mananaig

Ang dating pag-ibig
Mananaig

Tadhana ay pinagtagpo sa di tamang panahon
Pero sayo'y di parin lumingon
Puso ay tila nakakulong
Kwentuhan sa buwan
Ang tanging daan



Credits
Writer(s): Elijah Ph
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link