Alaala

Tandang-tanda ko pang abot-langit ang saya
Kapag kasama ka, kaso lang wala ka na
Kung minsan ako'y napapadaan
Sa lugar na kung saan una tayong nagka-unawaan
Naaalala ko pa n'ung tayo'y highschool pa
Sa'n man ako magpunta, laging nandu'n ka
Du'n sa may tabing-ilog, ikaw lang at ako
Namumulot ng bato, palayuan ng bato

Nahuhulog na ako sa mga tingin mo
Pag ako'y nagtatampo, agad nilalambing mo
Anong gagawin ko? 'Di ako mapalagay
Laging ang mga kamay, sa bulsa nakalagay
Isang gabi nagka-inuman kasama ang barkada
Basag nu'ng nagtapat ng pag-ibig sa may kalsada

Mahal kita, mahal mo s'ya, ngunit may mahal na s'yang iba
Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila?

Pilit kong limutin ka pero parang 'di ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama
Pilit mang 'di isipin ka, talagang hindi ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
May masasayang sandali tayong dalawa magkasama

Maghapon na nga tayong magkatabi sa klase
Kaso lang madami pa ring lalaking palihim dumiskarte
Pulis, negosyante, alkalde,
Higante, maging estudyant, nagiging galante
Kahit palagi akong talunan, hindi pe-pwedeng walang rebanse

Sinusundan kita kahit saan
Sinisigurong may pusong nakalaan sa
Bawat parisukat na mukha mo ang laman
Nu'ng umaga, tanghali, gabi, nagawa ko naman silang tambakan
Ngunit pagsapit ng hatinggabi, sila'y nagwagi, isa ang lamang
Lang naman nila sa 'kin ay madami silang nagamit na hugot
'Di tulad ko, wala lalo na 'pag tayo'y nasa ilalim ng kumot

Dati-rati parang mga kalapati sa gabi
Mga tuka'y nagkalapit, mga isip makakati
Kahit na 'di sila boto
Siraan ka man ng mga chismosa't chismoso
Habol ko pa rin ang matamis mong oo

Mahal kita, mahal mo s'ya, ngunit may mahal na s'yang iba
Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila

Pilit kong limutin ka pero parang 'di ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama
Pilit mang 'di isipin ka, talagang hindi ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
May masasayang sandali tayong dalawa magkasama

'Di ko mapigilang mainggit
Sa tuwing makakakita ng magkasintahang magkayakap ng mahigpit
Kaya naman naghahanap rin ng kalambingan
Pero sa aking isipan, ikaw ang kahalikan
Hinahanap-hanap ko ang mga yakap mo

Tanging larawan mo lamang ang hawak ko
Sana pangalan ko ang sunod na matawag mo
Handang dumaong sa 'yong tabing-dagat ang sinasakyang barko
Matarik man ang bundok, mabato man ang sapa
Mababaw man ang luha mo, hindi ko na hahayaan 'yang maglawa

Puyat ako ilang gabi na
'Di ko makayanan kasi nakasanayang katabi ka
Mapanlinlang ang damdamin
Binubulag muna tayo bago makita ang barahang ibinababa natin
Kaya kung sasabihin mong kalimutan na kita
Parang sinabi mo na rin sa 'king 'wag na'kong huminga kahit...

Pilit kong limutin ka pero parang 'di ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama
Pilit mang 'di isipin ka, talagang hindi ko kaya
Mga alaalang nagpapaalala
May masasayang sandali tayong dalawa magkasama



Credits
Writer(s): Aguilar Freddie
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link