Bodega

Akala na lang ang lahat, iyon akala ko noon
Dasaling tuwing akinse at atrenta lang kung tumugon
Tuwing kada panlaman tiyan ang hingin ko sa panginoon
Sukli nya'y kaganapang ilang laway ang pinalulon

Gatas ko sa labing 'di ko gaano nalasap
Ang nagsabing gulugod ko lang ang 'di ko kayang kaharap
Pati buwan ay pinuruhan, timpi ang pinuhunan
Pilas ng sulatan ko't kalendaryong 'di ko tinulugan para lang

Sinugal kong panahon, tama ng masuklian
May dala ng kalupitan, simula nung nasa panubigan
Sa kabila ng eskinita't kanto kong nauwian
Ang katunayan gintong makinang ay makikita sa putikan
Buena man...

Buena manong nagtiwala sa'kin ay ako din
Sa panahong palaisipan pa kung sa'n ba ako dadamputin
Nawalan ng ganang antukin sa dami ng dapat sabunin
Bukod sa bumbunan, may diwa pa 'kong dapat katukin



Credits
Writer(s): Patrick Baril, Nathan De La Rose
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link