Ikot Ng Mundo

'Di kayang mapigilan na ika'y hindi titigan
Sa bawat oras at bawat sandali
'Di man gustong sabihin, pinipilit 'di aminin
Ang dahilan sa aking pagngiti

Hanggang kailan ba natin titiisin?
Ang sigaw ng ating damdamin

Gusto kitang makasama, higit pang makilala
Sasabayan ang bawat kilos mo
Hindi ko na palilipasin ang gusto kong sabihin
Nang dahil sa 'yo, humihinto ang ikot ng mundo

Ang ikot ng mundo
Ang ikot ng mundo, oh, oh
Humihinto ang ikot ng mundo

Pagpasens'yahan mong kung panay ang text ko
Maya't maya ikaw ay nami-miss
Nakaabang sa phone ko, 'di naman sabik masyado
'Di mapakali kahihintay sa 'yo

Hanggang kailan ba natin titiisin?
Ang sigaw ng ating damdamin

Gusto kitang makasama, higit pang makilala
Sasabayan ang bawat kilos mo
Hindi ko na palilipasin ang gusto kong sabihin
Nang dahil sa 'yo, humihinto ang ikot ng mundo

Ang ikot ng mundo
Ang ikot ng mundo, oh, oh
Humihinto ang ikot ng mundo

At kapag tayo'y magkasama
'Di na kailangang sabihin
Basta't tayong dalawa
Magkasaliw ang tugtugin

Gusto kitang makasama, higit pang makilala
Sasabayan ang bawat kilos mo
Hindi ko na palilipasin ang gusto kong sabihin
Nang dahil sa 'yo, humihinto ang ikot ng mundo

Ang ikot ng mundo
Ang ikot ng mundo, oh, oh
Humihinto ang ikot ng mundo

Gusto kitang makasama, limutin ang problema
Kapag ako'y kapiling, walang alalahanin
Lagi-lagi kitang hahanapin
Sa 'yo ko lang ito aaminin
Ngayong alam mo na 'di ka nag-iisa
Sa 'yong nadarama, sasamahan kita
Panahon man ay maglaho, lahat man ay magbago
Basta't alam kong...

Gusto kitang makasama, higit pang makilala
Sasabayan ang bawat kilos mo
Hindi ko na palilipasin ang gusto kong sabihin
Nang dahil sa 'yo, humihinto ang ikot ng mundo

Ang ikot ng mundo
Ang ikot ng mundo, oh, oh
Humihinto ang ikot ng mundo



Credits
Writer(s): Johann Garcia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link