Paskong Alaala

Sasapit din ang araw, malayo pa't tinatanaw
Naghahandang umaga ang ating panimula
Lalasapin sa hangin ang pag-ibig ng bawat isa

Kanlungan ang paglaya, paghimig mo'y isang tula
Kalingap ang liwanag, sa lilim mo'y tumatahan
Naririnig ng langit ang mga tinig ng bawat isa

Lumalamig na rin ang simoy ng hangin
Sabay-sabay tayong manalangin
Ang araw ng Pasko ay damhin mo

Buhay ko'y sadyang may ligaya
Sa piling n'yo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso
Dala-dala ko ang alaala n'yo

Pagtipon at pagsibol, ang araw ay walang-hanggan
Narito ang panahon, kapiling n'yo, pinagmasdan
Ang makulay kong buhay

Lumalamig na rin ang simoy ang hangin
Sabay-sabay tayong manalangin
Ang araw ng Pasko ay damhin mo

Buhay ko'y sadyang may ligaya
Sa piling n'yo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso
Dala-dala ko ang alaala n'yo

Buhay ko'y sadyang may ligaya
Sa piling n'yo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso
Dala-dala ko ang alaala n'yo

Buhay ko'y sadyang may ligaya (alaala n'yo)
Sa piling n'yo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso
Dala-dala ko ang alaala n'yo

Buhay ko'y sadyang may ligaya
Sa piling n'yo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso
Dala-dala ko ang-



Credits
Writer(s): Ronzel Benedict Tala Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link