Pangako

Tandang-tanda ko pa, 'yung araw na nangako ka sa akin
Na sa iyong pag-balik ay babalik ka rin sa akin
Ngunit parang tinangay na 'to ng hangin palayo sa 'yo
Ang puso, lumamig na 'to

Kakaintay ko sa 'yo
Habang lumalamig ang puso ko sa kakaabang
'Yung puso mo ay umiinit na para sa iba
Medyo masakit isipin na nag-babago ka na
Pero walang magagawa kasi malayo ka na

Gusto sana kitang balikan, kaso ayaw mo na
Nakatingin ka sa akin habang kayakap mo siya
Tinitiis ko ang sakit hanggang ako ay mamanhid
Dahil mas mabuti iyon kesa sarili ko'y ipilit

Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pagpaasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Mero'n ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na

Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pagpaasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Mero'n ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na

Hindi ako panakip butas o panandaliang lunas
Ang gusto ko 'yung matagalan at 'yung tunay mag-mahalan
Ayaw ko na ng laro-laro
Gusto ko lang 'yung totoo

Kasi pagod na ko sa 'yo
Pagod sa panloloko mo
Para kang malaking isda, isa kang malaking tinik
Kapag ako'y nakalayo, hinihila mo pabalik

Kapag 'di siya nakatingin, humihingi ka ng halik
Kapag magkaaway kayo, bigla ka sa 'kin babalik
Sawa na sa 'yo at sa mga pangako mo
Naaalala mo lang 'to 'pag magkaaway kayo
Minamahal mo lang ako 'pag 'di ka niya pinapansin
Biglang 'pag kayo'y nag-bati ako'y iiwan na ulit

Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pagpaasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Mero'n ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na

Mga pangako na napako
Kaya pa bang itayo?
Mga kilig at pagpaasa
Parang gaguhan na 'to
Umasa sa wala
Mero'n ka ng iba
Sana ika'y masaya
Kahit ang hirap na



Credits
Writer(s): Jun Matthew Brecio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link