Tinig Sa Dilim (feat. Nicco Manalo & Kl Dizon)

Ang nais ko'y
Mga bituin sa palad mo
Kun'di 'man buong langit
Ang maialay sa'yo

Ngunit sadyang
Ako pa'y ikinukutya
Bulaklak lamang ang nakamit
Handog sa minumutya

Ang bulaklak nga ba'y 'di pa sapat
Ako ba'y 'di nagagalak
Ang halimuyak niyang sa'king hatid
Higit pa sa paghandog ng buong daigdig

Maging ang buong daigdig ang ipalit
Hindi papantay sa aking pag-ibig
At kahit anong yaman ang itapat
Walang kasing halaga
Ang pusong hinahangad

Walang ibang maialay sa'yo
Kun'di bulaklak at ang awit na'y ito
Nawa'y pagkatandaan mong hindi
Magmamaliw ang aking pag-ibig

Maging ang buong daigdig ang ipalit
Hindi papantay sa aking pag-ibig
At kahit anong yaman ang itapat
Walang kasing halaga
Ang pusong hinahangad

Ako ngayon ang tinig sa dilim
(Ikaw ngayon ang tinig sa dilim)
Dinggin mo sanang aking dalangin
(Dinggin ko ang 'yong dalangin)
'Di man alintana ang aking mukha
('Di man alintana ang 'yong mukha)
Narito ang mga salita
(Ngunit damang salita)

Sayo ay inaalay
Hinding hindi wawalay
Mananatili sa dilim
At sa'yo lamang iibig



Credits
Writer(s): Patrick James Valera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link