Str8 Outta Condom

Ah, ah, patingin, ah
Pakinggan mo ang istorya
Na isa sa pinakamalakas na isinilang, iniluwa sa mundong ito
Mga

Araw na pinagtripan ng nakasimagot na ulap
Iba't ibang umaga ang sa mata ang nagpamulat
Inasahang maganap mga bagay na 'di ko sukat
Akalain sugat sa aking matang 'di ko mamulat

Panigin ko may medyo mamuta-muta pa
Talo talo nasa kapeng barako sa umaga
Bukod sa kaalaman at sa baon ko na kwarta
Ay ganado ako para sa hangarin na dala

Maka silay klase na medyo maingay
Gurong may katamaran ibaba mga kilay
Mong katutak na matitibay
Pumasok ka na estudyante, uuwi kang mala binay

Napakasarap mabuhay kahit tanging karepa
Mulang pulang kabayo at timba ang nasa lamesa
Buti nung ako ay binuo, si tatay merong pera
Ngunit pambili niya sabi ng tindera

(Tila lagot ka)
Ah, ah, tingin, ah
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah (tila lagot ka)

Linggo at panahon na 'di marunong makisama
Taon na dalawang libo't isa nagpakilala
Sa akin ni inay ako'y sawa na maging kabet
Ang kabutihan na tukso na may gawing asawa

Natutunang gumapang, dumilat, tumayo
Dagok ang kadalasang kaalitan, kalaro
Mamiso sa palad umaasang mapalago
Bigo mang maka-uwi, kamot ulo ng patago na lang

Parati alalang iniwan ng kalsada
Buhay na laro ay digma ang kinilala
Na kaalamang pinasa ay wala pang guro at mag-aaral
Ang nakakita sa kahit anong pisara

Maraming mang kontrabidang marahas
Pinilit maging bida sa sariling palabas
Binigyan ni Bathala ng kakaibang lakas
Kahit may gomang nakaharang butas

(Tila lagot ka)
Ah, ah, tingin, ah
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah (tila lagot ka)

Sagad-sagaran na ang aking pagkakabaon sa utang
'Di ko na maalala mukha ng aking magulang
Madalas na ulam ko ay delata mula pa nung una
Kung minsan tuyo lang, may kaagaw pa, anak ng pusang buhay to

Marahil ang masasabi ng iba pagtinakbo nila ang tsinelas kong dala
Nagawa ko na yan dati partida walang paa
Kamay, mata, wala pang makita't makapa

Sa dami-daming nakipagsapalaran
Nasilaw sa liwanag ng araw at buwan
Natutunan na makipag bundulan, tulakan
Upang ang dulo't sukdulan natin ang mapuntahan

'Yung iba kong kasamahan ipinunas lang sa damit
Nilunod sa inidoro, nilampaso sa sahig
Malasin man o matalo, masiraan ng bait
Alam mo ba kung ba't panalo ka pa rin kasi

(Tila lagot ka)
Ah, ah, tingin, ah
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah (tila lagot ka, lagot ka, lagot ka)
Ah, ah, tingin, ah
(Tila lagot ka, lagot ka)

(Tila lagot ka, lagot ka, lagot ka)



Credits
Writer(s): Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link