Panghabangbuhay

Kahit a malayo ka
Kahit na lumimot pa
Kahit tumingin ka pa sa iba
Alam mong mahal pa rin kita

Kahit sa'n ka man mapunta
Kahit ilang taong mawala
Hindi magbabago itong
Nadarama ko para sa iyo

Pinangako ko sa Maykapal
Na iibigin ka ng tunay
Pinangako ko sa sarili
Ito'y panghabangbuhay
Panghabangbuhay

Kung minsan ay naghahanap
Ang puso kong nalulumbay
Nangungulila sa iyong
Haplos na kay tagal nang nawala
Laging nasa isip ko
Gabi't araw larawan mo
Ang tanging nakikita ko
Ang 'yong anyo laman ng dibdib ko

Pinangako ko sa Maykapal
Na iibigin ka ng tunay
Pinangako ko sa sarili
Ito'y panghabangbuhay

Habangbuhay ikaw ay mamahalin
Habangbuhay ikaw ay iibigin ko

Giliw ko pakinggan mo
Habang ako'y na sa mundo
Pag-ibig ko sayo'y
Hinding-hindi magbabago
Ito'y panghabangbuhay



Credits
Writer(s): Fernando Avanzado, Elmer Blancaflor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link