Huwag Mo Nang Itanong

Hika ang inabot ko
Nang piliting sumabay sa 'yo
Hanggang kanto ng isipan mong
Parang sweepstakes, ang hirap manalo

Ngayon, pagdating ko sa bahay
Ibaba ang 'yong kilay, ayoko nang ingay

Huwag mo nang itanong sa akin
'Di ko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
At 'di ko na iisipin

Field trip sa may pagawaan ng lapis
Ay katulad ng buhay natin
Isang mahabang pila
Mabagal at walang katuturan

Ewan ko, hindi ko alam
Puwede bang huwag na lang natin pag-usapan?

Huwag mo nang itanong sa akin
'Di ko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
At 'di ko na iisipin

(Huwag mo nang, huwag mo nang)
(Huwag mo nang itanong)
(Huwag mo nang) Hmm (huwag mo nang)
(Huwag mo nang itanong)

Ewan ko, hindi ko alam
Puwede bang huwag na lang natin pag-usapan?

Huwag mo nang itanong sa akin
'Di ko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
'Di ko na iisipin

Huwag mo nang itanong sa akin
'Di ko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
'Di ko na iisipin



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link