Kailangan Kita

Sa piling mo lang nadarama
Ang tunay na pagsinta
'Pag yakap kita ng mahigpit
Parang ako'y nasa langit

Minsan lang ako, nakadama ng ganito
Pag-ibig na wagas at sadyang totoo
Nananabik itong aking puso

Kailangan kita
Ngayon at kailanman
Kailangan mong malaman na ikaw lamang
Ang tunay kong minamahal
At tangi kong hiling ay makapiling ka lagi

Minsan lang ako nakadama ng ganito
Pagmamahal na hindi magbabago
At habang-buhay na ipaglalaban ko

Kailangan kita
Ngayon at kailanman
Kailangan mong malaman na ikaw lamang
Ang tunay kong minamahal
Ang lagi kong dinarasal

Kailangan kita
Ngayon at kailanman
Kailangan mong malaman na ikaw lamang
Ang tunay kong minamahal
At tangi kong hiling ay makapiling ka lagi
Oh, whoa, oh, oh
Kailangan kita



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link