Mahalaga

Nananakit dahil nasasaktan
Lumilisan kahit walang mapupuntahan
Maaaring 'di mo maintindihan
Kaya't kinakalimutan mo na lang

Nakatingin sa harap ng salamin
Oh, kay daming mali, ngunit 'di maamin
Maaaring 'di mo maintindihan
Kaya't kinakalimutan mo na lang

Bakit ba sinasarhan ang puso?
Halika't pakinggan ang sasabihin ko

'Di mo man maisip maging sa panaginip
Iba ang laging nakikita mo
Pero 'di mo na kailangang hanapin ang sarili
'Pagkat ika'y buo't kumpleto na
'Wag mong kalimutan na ika'y napakamahal

Mahal, mahalaga
Mahal, mahal, mahalaga
Mahal, mahal, mahalaga
Ika'y laging alaga 'pagkat

Mahal, mahal, mahalaga
Mahal, mahal, mahalaga
Mahal, mahal, mahalaga, hmm
'Wag mong kalimutan na ika'y mahalaga

Ngayon, unti-unting bumabangon
'Pagkat nalaman na ang ibig sabihin (sabihin)
'Pagkat nalaman na kung pa'no pahalagahan ang aking sarili (sarili)

'Wag mo nang sarhan ang 'yong puso
Halika't pakinggan ang sasabihin ko

'Di mo man maisip maging sa panaginip
Iba ang laging nakikita mo
Pero 'di mo na kailangang hanapin ang sarili
'Pagkat ika'y buo't kumpleto na
'Wag mong kalimutan na ika'y napakamahal

Mahal, mahalaga
(Mahalaga) Mahal, mahal, mahalaga
(Mahalaga) Mahal, mahal, mahalaga
Ika'y laging alaga 'pagkat

Mahal, mahal, mahalaga (mahalaga)
Mahal, mahal, mahalaga (mahalaga)
Mahal, mahal, mahalaga, hmm
'Wag mong kalimutan na ika'y mahalaga



Credits
Writer(s): Trisha Denise Campaner
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link