Buhay Eskwela

Bawat paggising sa umaga
May ngiti at saya
Dahil papasok na sa eskwela
Mula umaga hanggang hapon
Ang palagi kong kasama
Kaklase na kay saya

Makukulit, magugulo
Maingay at nambubuyo
Kaya sila'y napapagalitan
Ng teacher ko
Hindi ba't ang mabuti
Palagi ay seryoso
Ang mga bata na katulad ko

Buhay eskwela'y kay saya't
Sadyang walang katulad
Dito'y binubuo sa isip
Ang mga pangarap
Ang sipag at tiyaga'y
Punong-puno ng pagsisikap
Bawat hinahangad sana'y matupad
Buhay eskwela ay
Hindi laro kaya't mag-aral
Wag kalimutan na sa
Araw-araw ay magdasal
Igalang natin lagi ang
Ating mga magulang
Mabuting bata
Ang dapat na ganyan

Si tatay at si nanay ay
Katulong sa mga assignments
Na ginagawa gabi-gabi
At sa umaga ay hinahanda
Ang babaunin ko
Bibigyan ko naman ang katabi

Tayo'y mapalad at pinag-aaral
Kahit mahirap ang
Ating mga magulang
Mga bulakbol at
Ang mga kalokohan
Limutin natin sa isipan
Mga pangaral ay
Palagi natin sundin
Magulang natin ay mahalin
Mga pangarap mo ay matutupad
Kung buti ang lagi mong iisipin



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link