Sana'y Tumibok Muli

Paano ba pipilitin? Paano ba gigisingin?
Isang natulog na at nasawing damdamin
Nais ko mang buhayin, pag-asang mithi pa rin
Bakit ayaw ngumiti nitong aking damdamin?

Paano ba sasabihin na wala nang pagtingin?
Kahit aking pilitin, puso'y namamanhid pa rin
Ano kaya ang gagawin ng pusong sawa na rin?
Ngayong bumabalik ka na'y walang maramdaman, giliw

'Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako nang labis-labis?
Ngayo'y wala na nga, pag-ibig na laan sa 'yo sana

Bakit ba pipilitin? Ano ang aking gagawin?
Pagmamahal sa 'yo dati, hindi naman pinapansin

'Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako nang labis-labis?
Ngayo'y wala na nga, pag-ibig na laan sa 'yo sana

Ngunit kung dumating ang panahong gumising na
Nananahimik na damdamin ay muling buksan pa
Sana ay naghihintay ka pa rin sa akin, sinta
Kasi nama'y alam mo ding minahal kang talaga

'Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako nang labis-labis?
Ngayo'y wala na nga, pag-ibig na laan sa 'yo sana

Sana'y tumibok muli ang puso kong ito, sana



Credits
Writer(s): Jose Joel S Mendoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link