Yung Pakiramdam
Yung pakiramdam na gusto mong tawagan
Pero ayaw mong ipaalam na iniisip mo siya
Na gusto mong dalawin
Pero ayaw mong isipin niyang pinagdududahan siya
Sa gitna ng trangkaso at lagnat
Sa pagitan ng alanganin at tiyak
Nasa bingit ng pagtitiwala at ng paghihinala
Yung pakiramdam na gusto mong hayaan
Pero ayaw mong
Gawin lang niyang lahat nang gusto niya
Hindi sa walang tiwala pero siya'y kilala
Alam mo ang takbo ng utak niya
Sa gitna ng pag-awit at pagkautal
Sa pagitan ng sumpa at ng dasal
Nasa bingit ng sigurado at ng hindi ka sigurado
Yung pakiramdam na gusto mong yakapin
Pero nasasakal itutulak ka
'Di daw siya makahinga mahilig nang maglihim
Ang kanyang ngiti hindi mo tiyak kung ikaw ang dahilan
Sa pagitan ng bukas at nakaraan
Sa gitna ng tagtuyot at tag-ulan
Yung pakiramdam
Na hindi mo na alam ang nararamdaman
Pero ayaw mong ipaalam na iniisip mo siya
Na gusto mong dalawin
Pero ayaw mong isipin niyang pinagdududahan siya
Sa gitna ng trangkaso at lagnat
Sa pagitan ng alanganin at tiyak
Nasa bingit ng pagtitiwala at ng paghihinala
Yung pakiramdam na gusto mong hayaan
Pero ayaw mong
Gawin lang niyang lahat nang gusto niya
Hindi sa walang tiwala pero siya'y kilala
Alam mo ang takbo ng utak niya
Sa gitna ng pag-awit at pagkautal
Sa pagitan ng sumpa at ng dasal
Nasa bingit ng sigurado at ng hindi ka sigurado
Yung pakiramdam na gusto mong yakapin
Pero nasasakal itutulak ka
'Di daw siya makahinga mahilig nang maglihim
Ang kanyang ngiti hindi mo tiyak kung ikaw ang dahilan
Sa pagitan ng bukas at nakaraan
Sa gitna ng tagtuyot at tag-ulan
Yung pakiramdam
Na hindi mo na alam ang nararamdaman
Credits
Writer(s): Vincent Jesus
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.