Langis At Tubig

Tubig at langis, ang katayuan nati'y yan ang kawangis
Pilitin mang magsam'y may mahahapis
Ganyang-ganyan tayong dalawa
Ang panuntunan'y magkaiba

Langis at tubig, 'di mapagsama ng tunay mang pag-ibig
Hinanakit ang s'yang laging mananaig
Mahal na mahal man kita
May mahal ka namang iba

Tubig at langis
Idarang man sa init, 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig?
May dasal ba akong hindi N'ya narinig?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig

Tubig at langis
Idarang man sa init, 'di rin tatamis
Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis kung labis

Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig?
May dasal ba akong hindi N'ya narinig?
Papel natin sa pag-ibig
Ako'y langis, ika'y tubig

Ako'y langis, ika'y tubig
Ako'y langis, ika'y tubig



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link