Feeling Hirow

Feeeling ko ako si Superman
Na kaya kang ipaglaban
Walang hindi kayang gawin
Puso ko'y iyong alipin
Lahat ay aking kakayanin

'Pag kasama ka'y walang lumbay
Ang lahat ay kayang ialay
Ganyan ang puso kong ito
Nababaliw sa tulad mo
Natutuliro ang isip ko

Feeling ko ako si Superman
'Pag kasama ka
Lumilipad sa langit
Pumipitas ng bituin
Kahit anong sabihin mo ay gagawin ko
Kahit na magkandahulog ako
Ganyan ako napapraning
Nababaliw sa iyo
Isang ngiti mo lang ay maligaya na ako
Pagka't ako, pagka't ako, pagka't ako ay feeling lang

Feeling ko ako si Spiderman (ako si Spiderman)
Na kayang dumikit kahit saan (na kayang dumikit kahit saan)
Ga'no man kataas ay aakyatin
Basta ako lang ay iyong mapansin
Mahirap man ay aking kakayanin
'Pag kasama mo ako 'wag kang mailang
'Di manghaharas
'Di mangangagat
'Wag matakot sa 'king gagawin
Kumapit ka lang ng mahigpit sa akin
Umasa kang 'di kita sasaputin

Feeling ko ako si Spiderman (ako si Spiderman)
'Pag kasama ka
Kahit lumalambitin ay hindi nambibitin
Kahit anong ipagawa ay gagawin ko
Kahit na magkabukol ako
Ganyan ako napapraning
Nababaliw sa iyo
Isang ngiti mo lang ay maligaya na 'ko
Pagka't ako, pagka't akom pagka't ako ay feeling

Walang hindi kayang gawin
Puso ko'y iyong alipin
Lahat ay aking kakayanin

Feeling ko ako si Superman
'Pag kasama ka
Lumilipad sa langit
Pumipitas ng bituin
Kahit anong sabihin mo ay gagawin ko
Kahit na magkandahulog ako
Ganyan ako napapraning
Nababaliw sa iyo
Isang ngiti mo lang ay maligaya na ako
Pagka't ako, pagka't ako, pagka't ako ay feeling lang, ay feeling lang
Nahihibang sa 'yo ay feeling
Lab, lab, lang, lang



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link