Ikaw Lamang

Dakila Ka, o Diyos, aking Ama
Pinatawad Mo ang aking mga sala
Iniligtas Mo, pinawi ang kalungkutan
At muling ibinalik sa akin ang kagalakan

Ikaw lamang, o Diyos ang papupurihan
Tibok ng puso ko tanging Ikaw lamang
Ikaw lamang, o Diyos ang paglilingkuran
Ang buhay kong ito sa 'Yo ilalaan

Ang handog ko, o Diyos
Buong lakas sa 'Yo maglilingkod
Turuan Mo akong makapagsalita
Pupurihan Ka sa gitna ng madla
At ang puso kong ito sa Iyo ay magsasabing

Ikaw lamang, o Diyos ang papupurihan
Tibok ng puso ko tanging Ikaw lamang
Ikaw lamang, o Diyos ang paglilingkuran
Ang buhay kong ito sa 'Yo ilalaan

Ikaw lamang, o Diyos ang papupurihan
Tibok ng puso ko tanging Ikaw lamang
Ikaw lamang, o Diyos ang paglilingkuran
Ang buhay kong ito sa 'Yo ilalaan

Ang buhay kong ito sa 'Yo ilalaan



Credits
Writer(s): Allan Riofrio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link