Trabaho

Trababo lang, walang personalan
Nagbibigay naman ng pagkakataon
Trababo lang, at ika'y palilibutan ng
Karangyaang mithi mula noon

Kami'y nandito para maisulong
Solusyon sa nakasanayang buhay ng pagsubok
Kung ika'y gutom, sawang-sawa na sa rebolusyon
Hindi naman mapupuno'ng sikmura ng 'yong ilusyon
Ano ba ang presyo ng iyong prinsipyo?

Hindi kailangan ang iyong talino
Umumpo na lamang, makinig, at tumungo
Lahat kayong nagtratrabaho rito ay pantay-pantay
Hindi mo na malaman kung ika'y dilat ba o patay
Ano ba ang kailangan mo para mabuhay?

Trababo lang, walang personalan
Nagbibigay naman ng pagkakataon
Trababo lang, at Ika'y palilibutan ng
Karangyaang mithi mula noon
Trababo lang, walang personalan
Nagbibigay naman ng pagkakataon
Trababo lang, walang personalan
Ito'y minimithi mula noon

Ito'y piniling pagdurusa
Ilan pa'ng kayang lunukin?
Baka sakaling masikmura
Kung alak ay 'yong laklakin
Masaya ka naman
Masaya ka naman
Magsaya ka naman
Masaya ka naman
Masaya ka naman?
Masaya ka naman
Magsaya ka naman



Credits
Writer(s): La Loba Negra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link