Mahal Parin Kita

Kamusta ka
Ako pa ba'y naiisip pa
Kay tagal na rin nang huling nakita ka
At kahit ilang buwan na ang lumipas
Mga alaala'y di pa rin nangupas

Gaya ng kahapon ikaw pa rin ngayon at bukas
Pinilit ko naman na limutin ka
Ngunit 'di makalipad kahit sinabi mong Malaya na

Mahal parin kita
Mahal parin kita
Mahal parin kita
Kahit na sa hangin na lamang
Sasambitin

Eto pa rin
Naitatawid ang bawat araw
Wala namang tinitingnan
Ngunit natatanaw ay ikaw
Alam kong kakayanin din na mag-isa

At bumalik sa buhay ko noong wala ka pa
Ngunit noong wala ka pa'y 'di tulad ngayong wala ka na
Sinabi mo namang ako'y malaya na
Pwede bang hayaan mo
Na lang sanang ibigin ka

Mahal parin kita
Mahal parin kita
Mahal parin kita
Kahit na sa hangin na lamang
Sasambitin

Mahal parin kita
Mahal parin kita
Mahal parin kita
Kahit na sa hangin na lamang
Sasambitin



Credits
Writer(s): Mahal Parin Kita
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link