Block Bots

Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon at ng maunawaan mo
Kung ano ang siyang pinaglaban ko

Habang panahon nalang ba tayong magtuturuan
At sa malambot na higaan ay mag-uunahan
Sigawan at sumabatan ng anumang kakulangan
Bago pa mapunta sa iba teka ako naman
Sino ba'ng may kasalanan na madumi ang mukha
Kahit busog na sa palay nakabaonon ang tuka
Paano maniniwala kung palaging sagot
Ay baka wala namang tutugma pero tula ng tula
Kaya minsan ba'y naiisip mo na ang noon
Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon
Wag magtaka kung ba't lumalabo ang tubig sa balon
Dahil hanggang ngayon ay di pa tapos ang rebolusyon

Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, panindigan mo ang tugon
Dahil di pa tapos ang rebolusyon

Ang nais ko rin naman ay mapayapang paraan
Ngunit kailangang sumalag kapag ika'y inundayan
Ng patalim sa dilim nagkalat na sakim
Mga maliit lamang ang nadidiin
Ipinasa ng itak na ginagamit sa digmaan
Para sakin ang matapang ay siyang nang-ibang bayan
Ang taga-ani mga bagong bayani na tugon
Sa hindi matapos at paulit-ulit na tanong
Kaibigan minsan ba'y naiisip mo na ang noon
Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon
Wag magtaka kung bakit lumalabo ang tubig sa balon
Dahil hanggang ngayon di pa tapos ang rebolusyon

Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon at ng maunawaan mo
Kung ano ang siyang pinaglaban ko

Di ako nagkaroon ng pagkakataon
Na makapagpakilala
Simula noon ang tawag nila sa akin ay ang pasimuno
Habang ang nais ko lang naman ay mamuno
At ituro ang daan katulad niyo rin ako naman ako
Tinulak sa burak pagkatapos pinagbintangan
Ng mga taong aking itinuring na kapatid
Gamit ang kutsilyo lubid na hawak ay pinatid
Lahat ay kailangan lumaban kapag inaapi
Na kahit dumanak ang dugo at ang puti maging pula
Matapos ang lahat ng sinulat ay sabi nila
Sino ako talaga, kilala mo ba?

Lupang tinatapakan mo
Bakas na nilakaran ko
Dusang binabalikat mo
Ay ang siyang binuhat ko

Lupang tinatapakan mo
Bakas na nilakaran ko
Dusang binabalikat mo
Ay ang siyang binuhat ko

Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon at ng maunawaan mo
Kung ano ang siyang pinaglaban ko

Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, panindigan mo ang tugon
Dahil di pa tapos ang rebolusyon



Credits
Writer(s): Tom Shimura, Jason Valerio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link