Walang Ilaw

(Candida? Walang ilaw.)
(Subukan mo uli.)
(Ilang beses ko nang sinubukan nang sinubukan.)
(Subukan mo sa ibaba ng hagdanan, susubukan ko sa pasilyo.)

Wala ring ilaw sa hagdanan?
Wala. May ilaw ba sa pasilyo?
Wala. At wala ring ilaw sa kwarto ng Papa.
Naku, Candida! Pinutulan tayo ng kuryente.
Tawagin mo sina Manolo at Pepang.
Tawagin mo ang kumpanya ng ilaw.

Huwag kang maingay!
Gusto mong makitawag ako sa kanto?
Alam na ng lahat sa kalye nating
Pinutulan tayo ng kuryente
Dahil hindi tayo nakabayad!
Naku, Candida!
Naku, Candida!
Sarhan mo ang mga bintana.
Makikita ako ng mga kapitbahay.

Alam ko na ang tsismisan nila,
Tignan mo ang dalawang nagrereyna-reyna
Ni hindi makabayad sa kuryente nila.
Paano pa natin maihaharap
Mga mukha natin sa labas?
(Sarhan mo ang mga bintana!)
Makikita nila tayo!
Baka wala pang nakakapansin,
Madalim ang ating bahay.

Walang ilaw kahit saan.
Walang ilaw?
Madilim lahat ng bahay.
Madilim?
Madilim ang buong lansangan.
Anong nangyari?
Napakagaga natin!
Ano bang nangyari?
Wala nang nangyari!
Anong wala?
Nasa diyaryo nga pala, hindi tayo kasi nagbabasa!
Anong sabi sa diyaryo?

May blackout ngayon, nagpa-practice ng blackout.
Naghahanda para sa giyera.
At akala nating natatakot tayong magsara ng bintana,
Natatakot tayong matanaw ng kapitbahay.
Diba't isang pares tayong tonta't kalahati.
Isang pares na tonta.
Nakatatawa.
Nakatatawa.
(Candida!)
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na kaya!



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab, Rolando S. Tinio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link