Anong Nangyari Sa Ating Dalawa

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat?
Ang init ng pagmamahal, parang naging salat

Pangako habang-buhay
Nangakong 'di magwawalay
Ngunit ba't lumamig pagmamahal?
Parang 'di na ikaw, sa Maykapal, ang dinasal

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon, tayo ay iisa
Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan?

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Pagmamahal, ngayo'y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?

Nasa'n ang sumpaan?
Akala ko'y walang-hanggan
Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan?
Hanggang dito na lang ba ang ating walang-hanggan?

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon, tayo ay iisa
Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan?

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Pagmamahal, ngayo'y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?

Ano'ng nangyari?

Ano'ng nangyari?



Credits
Writer(s): Joven Tan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link