Gayuma

Kaydali ako na naakit sa'yo
Bakit ba ang nadarama'y ganito
Bawat sandali ay ikaw ang hinahanap ng mga mata ko
Puso ay hindi ko na maawat pa
Na ibigin kita

Ano ba ang taglay mong gayuma
Ang nais ko'y palagi kang kasama?
'Pag ikaw ay aking kaharap
Ay abot-abot ang kaba

Kapag ako ay kinakausap
Nanlalamig ang aking palad
Pwede bang ako'y yakapin mo na
Pag-ibig mo'y ipadama

Kung pwede lang ako ang manligaw sa'yo
Na ikaw ang s'yang pintig ng puso ko
Ay gagawin ko na upang ang pag-ibig ko ay mapansin mo
Puso ay hindi ko na maawat pa
Na ibigin kita

Ano ba ang taglay mong gayuma
Ang nais ko'y palagi kang kasama?
'Pag ikaw ay aking kaharap
Ay abot-abot ang kaba

Kapag ako ay kinakausap
Nanlalamig ang aking palad
Pwede bang ako'y yakapin mo na
Pag-ibig mo'y ipadama

Wag kang mawawala sa'kin
Ito ay hindi ko kakayanin
Maari bang ngayon saki'y sabihin mo
Ako ang hinahanap ng 'yong mata

Ano ba ang taglay mong gayuma
Ang nais ko'y palagi kang kasama?
'Pag ikaw ay aking kaharap
Ay abot-abot ang kaba

Kapag ako ay kinakausap
Nanlalamig ang aking palad
Pwede bang ako'y yakapin mo na
Pag-ibig mo'y ipadama
Ano bang gayuma
Ang meron ka



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link